Daraitan, Tinipak, Maytungtong at Wala Akong Boses - RAM The World

Sunday, May 22, 2016

Daraitan, Tinipak, Maytungtong at Wala Akong Boses

“The best view comes after the hardest climb.”

Tama.
Pero hindi madaling umakyat ng bundok. Kung wala kang regular exercise, malamang hindi ka na umabot sa tuktok. Kagaya nung isang babaeng nakasabay namin sa trail. Na-overfatigue siya and it blinded her for some time. We gave her chocolates and water, and luckily, she made it to the summit. I just didn’t know if she made it back to the jump-off point hahaha. I guess she did.

Paano ba nagsimula ang lahat?

I told myself 2016 will be a year of adventure for me. Kaya umpisa pa lang ng January e mega-hanap na ‘ko ng pwede kong puntahan at pasyalan. At siyempre para makumpleto ang travel ek-ek ko, tadah!!!, bumili din ako ng mirrorless camera. Akalain mong yung original na budget ko for a camera e dumoble?! Hirap talagang mag-it’s the climb! Hahaha

So yun nga, I saw Pico De Loro. Check-check ako ng mga blog sa net. Winner ang summit. Bongga ang magpictorial sa peak ng naka-underwear at may faux angel’s wings at isang mahabang puting tela na tinatangay ng hangin. Oh devah? So sa madaling salita e nagpareserve ako ng slot, care of Trail Adventours.


Out of nowhere nagtanong si Destiny Rose kung gusto ko daw gumorabells on an adventure, nagtatanong daw kasi yung isang officemate namin na itago na lang natin sa pangalang LA-LA, short for Lakwatserang Lampa. Tinanong ko kung saan. Mt. Daraitan + Tinipak River + Maytungtong Cave. Nung mabasa ko pa lang yung Tinipak, gumorabells na agad ako! Tour daw yun at packaged deal. Kasama na van transfers, post snacks, bag tag, environmental fees, guide fees, entrance fees at kung anu-ano pang fees. For a total of only 700 paysos!!!! Aba ang mura diba, so ano pa nga ba, edi bayad agad ng downpayment.

(Kudos to Dex from Monxter Outdoors for a job well done.)

Front (L-R): Luna, LaLa, Bing, Bong, Destiny RoseBack (L-R): Siopao, Siomai, Puto Pao

Ang abang lingkod niyo, kahit walang boses, gorabells pa din sa adventure! January 16, meetup sa Panay Ave. at diretso na sa Tanay. Feel na feel ko yung nung paahon na kami sa bundok, pinatay nung driver yung aircon tapos sabi niya buksan daw namin yung mga bintana. Ay ning! Winner ang windy breeze! Parang natutunaw na glaciers ng Antarctica!

Nung marating namin ang jump-off point, hanap agad ako ng CR dahil bongga na ang pagkalembang ng jingle bells ko. Tadah! May CR na walang tubig! Keri na din, kahit may fee na 5 thousand. Gora boom boom pow na sa balsa para tumawid ng ilog at sumakay ng trike papunta sa barangay hall for the registration. Orientation keme, tapos assign ng guide and voila… gapang na paakyat ng bundok!

And here, my friend, I will share to you some of the things I learned about hiking-trekking-mountain climbing:

  • Go first. If you’re going by group, chances are, you aren’t going on the same pace. Siyempre, di lahat kayo mabibilis, may mga mahuhuli talaga lagi. So gumorabells ka dun sa bandang unahan. So when you would have to wait for the others, that’d give you more time to rest.
  • Almost always the trail would split into two, take the easier one. For example, nag-split yung trail: at your left was a two-step uphill, at your right is a 3-step uphill with the same distance. So, take the 3-steps, kasi di masyadong malayo ang pagitan nun, di mo kailangang mag-split a la Mystica makaakyat lang.
  • Bring enough more than enough water. Habang umaakyat ka, kakailanganin mo ng maraming tubig para magreplenish. Pagdating mo sa summit, magugulat ka na lang na konti na lang pala ang tubig mo. Saka mo marerealize na kailangan mo pa nga pala ng tubig habang bumababa ng bundok. Shunga.
  • Bring a lot of food. But not so many ah? Just enough for you to carry AND some more to share. Yes, share your food with your friends or some fellow hikers.
  • Have fun. But don’t laugh too much. It will drain your energy. Promise!
  • Use your hands. Bring gloves, though. May mga steps na mahirap akyatin so you’d have to use your hands for support. Grab a branch (make sure na matibay), hold on to a rock, do slight monkey bar hangs on REALLY STRONG branches.
  • Watch your step. Again, WATCH YOUR STEP. Make sure you step on solid ground. Coz when you slip and fall, it’ll gonna be a domino effect. And back to square one uli ang grupo niyo. Haha!
  • Chocolate is a trail’s bestfriend. Magbaon ng marami. Kakailanganin mo yan sa mga panahong hapong-hapo ka na.
  • Say “Hi” or “hello” or “good morning” or “ingat po kayo” to other hikers. It generates good mood and sorta adds up instant energy.
  • Encourage your friend and other hikers. Lift someone’s spirit up when you see them all worn out on the trail. Tell them they can do it. Words of encouragement during hikes are like chocolates, they provide added energy.
  • Extend a hand. Whether it be a girl or a guy or a gay you’re helping with. It doesn’t matter. My Papa always tells us that when we die, God is not going to ask if you helped a Muslim or a Christian or a Jew, but of how many times you’ve actually tried to help. So extend those hands to someone even if you don’t know them. Who knows, you might just be holding the hand of someone you’re bound to be forever with. (insert Up Dharma Down’s Tadhana here)
  • Appreciate the view, the trees, the flowers, the rocks, the branch that hit your eye, the snakes (we encountered 2 on the trail, one of ‘em dead already), the mud, the horse manure, the make-shift benches, the sun, the heat, the ants and all things bright and beautiful.
  • DO NOT—EVER—LEAVE TRASH. Maging responsableng indibidwal sana tayo. Dinatnan natin na ganun ang kalikasan, iwan natin ng ganun. Kung anuman yung basura mo, i-bag mo muna, pagbaba mo ng bundok, humanap ka ng basurahan. Isipin mo na kung magkakaanak ka, dapat abutan niya din yung bundok sa parehong estado na dinatnan mo.



Nung marating ko yung summit, kahit mainit yung pwesto ko, naupo ako and I prayed. I told God that I’m dedicating the climb to Him and to all my insecurities and to all the voices in my head that says I can’t. I did it. Buwis-buhay pictures and all!

Tapos gora pababa sa Tinipak River. Dito talaga sumakit yung tuhod ko, sa pagbaba ng bundok. Bukod pa dun sa nanganganib ng maubos yung tubig ko kaya inuunti-unti ko na. Hahaha. Buti na lang kahit papano e nag-FISH JOKES yung kasama namin sa group na itago na lang natin sa pangalang SIOPAO (bawal real name dito) at nawala sa tubig ko ang isip ko. :D

Mega-refill kami ng tubig mula sa free flowing river kasi safe daw inumin yun. Well mukhang safe naman… para sa iba. Sumakit kasi yung tiyan ko eh. And up to now, habang tina-type ko to, parang nae-erna na naman ako!

So yun nga, after ng descent, gorabells agad sa malamig na tubig ng Ilog Tinipak. Ligo galore ang mga hikers. Pero parang ginahasa naman ang mga paa namin sa sobrang laki ng mga bato sa ilalim. Makailang-beses sumuot-suot yung paa ko. Pero eventually narating din namin yung gitna. Mababa ang tubig dun at malakas ang current, sarap ipangmasahe sa katawan nung agos ng tubig! Winner talaga. Kahit buwis-buhay yung pag-ahon namin ni LaLa dahil tinatangay kami ng alon at napunta kami sa malalim na part.

Siyempre pa, LAFANG! Canton, tinapay, noodles at yung baong maling nung friend naming magjowang shibuling may busilak na puso. Solb! Gorabells after sa Maytungtong Cave. Picture picture sa malalaking bato on the way. Hanggang nakarating na nga kami sa entrance ng cave kung saan naalala kong naiwan ko ang flashlight ko sa bag kong pinaiwan namin dun sa kinainan namin. So nag-rent ng flashlight si Destiny Rose pero nung makita niya na ang pababang entrance ng kweba ay natakot si bakla at umatras. Ang ending, ako ang nagkamit ng flashlight.

Madilim sa loob ng kweba. Madilim pa kesa kay Binay. At hindi talaga pwedeng wala kang dalang flashlight. Pagkatapos ng mabatong daan e mabuhangin naman, tapos maririnig mo na  ang agos ng tubig. At the end of the cave was a cold cave pool. Wehnopangaba?! Edi langoy uli ang batang pinaglihi sa kaliskis ng tulingan.

Pag-akyat namin sa lupa (parang mga lamang-lupa lang e noh), ayun madilim na. E dahil kelangan ko na ding isoli ang flashlight sa pinagrentahan, cellphone ko na lang ang ginamit kong tanglaw pabalik sa kabihasnan. Pero beastmode talaga ako sa mga palakang nagsulputan sa daan!

Pagbalik namin sa restaurant-slash-kubol-slash-carinderia (hamo na, di ko alam ang tawag), ayun alas ocho na ng gabi. Ang end ng itinerary ay 7pm. So wala ng ligo-ligo (wala din namang tubig yung paliguan), bihis na lang at lakad na papunta sa sakayan ng tricycle. Nung nakasakay na kami ng trike pabalik ng Barangay Hall ay may nadaanan kaming sementeryo. Moment of silence ang prayer group sa tricy!

At parang nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang Tour Organizer namin na naghihintay sa Barangay. Kala ko kasi iniwan na niya kami. Hahaha. Tricycle uli papunta sa balsang magtatawid samin sa kabilang-buhay, I mean, sa parking ng Van. May nag-attitude pa sa Van number 1 pero ayoko na siyang bigyan ng space dito. At peaceful ng nakatulog ang mga palakang nakanganga sa Van.

Nagising lang kami nung huminto yung van namin dahil hinarang kami ng mga NPA. Joke lang! Kumatok lang yung organizer namin para sabihing nanalo si LaLa sa raffle! Nakakapagtaka, nakapag-tambiolo pa sila habang nasa daan! Pagdating ng Centris, taxi na kami ni Destiny Rose dahil para kaming sumali sa Fraternity na Alpha Chupacabra, ang sakit ng mga legs namin!

Bugbog yung katawan ko sa sakit at ang hirap itupi at ituwid ng tuhod ko pero habang nakahiga na ‘ko sa kama, hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. Una, kasi may na-check ako sa bucket list ko. Pangalawa, dahil worth it ang lahat ng ginawa ko ng buong araw. At pangatlo, dahil nagkaron ako ng isang napakalaking realization mula sa pag-akyat ng bundok na yun:

Dahil nga matarik ang trail at puro hakbang paitaas, yung mga pagkakataong makakatagpo ka ng patag na parte ng trail e maituturing ng langit. I realized that we all wanted to go up. We do things everyday so we can alleviate ourselves from where we are right now. And most of the time, it’s painful. On hiking we’d get bruises and skin scratches and joint pain and sometimes, oxygen shortage. Same thing happens with life, we get all beaten up, worn out and used in our search for ascension. But we wanted so hard to reach the summit and so we ignore the pain. All that matters is that we hit the topmost.

But although the best view would be there at the top, it’s the trail that’s going to make it worthwhile. The fun you had, the moments you enjoyed, the pain you’ve forgone, the memories you created, the friends you’ve made.

Sabi nga ni Miley Cyrus: “IT’S THE CLIMB…”



Ang abang lingkod niyo...






















01.19.2016, 1:46pm

BGC, Taguig City

No comments:

Post a Comment